Friday, October 5, 2012

P-I-N-K

 P-I-N-K

         Ano kaya ang paboritong kulay ni Maria Clara noong siya ay bata pa? Uso na kaya noon ang kulay pink? Dahil noong kabataan ko, pink ang bidang bida sa mata naming mga babae.
         Ang kulay pink ay pangbabae, bibihira ang mga lalaking nagkakagusto sa kulay na ito. Kung meron man, ang mga lalaking ito ay natatapunan pa ng tukso na sila ay bakla. Ano nga bang magagawa naten? Kung mismong kulay talaga nito ay bagay na bagay sa babae –sa kamay ng isang babae.

Nakakatuwang balikan, na noong kabataan, paboritong kulay ay pink. Gamit sa kwarto ay pink, hanggang sa closet ay puro pink. Kung pwede lang sana noon palang ay maglagay nan g kulay sa kuko, baka linggo-linggo na akong nagpalit ng desenyo sa kuko. Ngayong isang ganap na dalaga, iba’t ibang kulay sa kuko maari nang subukan. Kanya-kanyang trip ika nga, walang pakialamanan.

Kay gandang titigan, lalo na sa mahahabang kuko. Simpleng kulay, walang halong disenyo, ngunit pag iyong inapplyan ng tinatawag na fashion, siguradong lulutang pa lalo ang kanyang ganda.

Gaya nalang ng nakikita mo sa litratong ito. Ito ay kamay ng aking butihing kaklase na si Clarisse. Pansing-pansin ko agad na nagbago siya ng kulay sa kuko, at bagay naman sa kanya, huwag mo nang itanggi. Teternuhan mo pa ng singsing ng isa ko pang kaklase, in five, four, three, two, one –rampa ay pwedeng pwede. J

** Ang singsing na ginamit sa litrato ay pagmamay-ari ng aking butihing kaklase na si Lois.

#MgaKukoNiMariaClara.

No comments:

Post a Comment