Tuesday, October 2, 2012

Black at Pink

 

 

Una kong nailart.

               Maria Clara. Simbolismo ng kababaihan. Isa ako roon. Simple lang rin naman ang gusto ko, pero sino ba naman ang hindi maeenganyo
sa ganda ng kumbinasyon ng kulay itim at pink. Maganda sila, aminin mo! Nakakatuwang titigan, nakakatuwang kunan ng litrato.Minsan lang naman maglumandi ang mga kuko kong ito, iyo nang pagbigyan. Sa baon ko naman iniawas ang pambayad sa salon, kaya huwag nang magreklamo  at umoo ka nalang.

Pink. Paborito ng mga nakakaraming babae. Mula pagkabata, ito na ang aking gusto.
Anong iyong magagawa kung talagang nahumaling ako sa kulay na ito.

Black. Sino ba ang may gusto? Pwes, ako! Nagustuhan ang kulay na ito noong kapanahunan
ng aking high school. Maganda naman diba? Bagay pa sa lahat ng kulay. Lalong lalo na
sa kulay na pink.

Disenyo ng kuko (noong bakasyon) iyong titigan.
Baka maisipan mo ring magpagawa ng ganyan sa salon. Kay gandang litrato,kasama ang oaborito kong baller na Batman. Hanggang dito nalang, dahil ang kaartehang yan ay natanggal na rin.




#MgaKukoNiMariaClara

No comments:

Post a Comment