Friday, October 5, 2012

Adios, Paalam, Goodbye!


Adios, Paalam, Goodbye!


“Paalam mahal ko.” –wika ng iniirog ni Maria Clara.

“Paalam nailart ko!” –wika ko sa aking sarili.
 Hindi naman permanente ang paglalagay ng kulay sa kuko, kaya nga kahit araw araw pa ay magpalit ka ng kulay. Ngunit syempre, mas makakabuti pa rin kung inaalagan mo ang ganda ng natural mong kuko.

Isang lingo madalas ang tinatagal ng isang nailart, kung mas maingat, mas matagal pa. Wala tayong magagawa dahil natural na matatanggal at matatanggal ang mga ito kahit na ano pang ingat ang iyong gawin. Wala tayong magagawa kundi ng ipalinis nalang ito at palagyan ulit ng bagong disenyo o kaya naman ay huwag munang palagyan ulit. Ang desisyong ito naman ay nasasaiyo. J

** Ito nga pala ay kamay ng isa ko pang butihing kaklase na si Ickah.

#MgaKukoNiMariaClara


No comments:

Post a Comment