Thursday, October 11, 2012

Strawberry, baby! :)


Strawberry, baby! :)


Matamis na strawberry. 
Sintamis ng halik ni Maria Clara.
Halik ng strawberry sa mga kuko?
Tignan mo nga naman. 
Pati disenyo ng pagkain ay maaari nang gawing disenyo.

Ang ganda titigan, nakakagutom pa.
Marami na kong nakitang nagpagawa ng ganyan.
Ang cute nga naman, iyong masasabi kapag ito'y nakita mo.
Kayang kaya mo yan gawin sa bahay mismo, 
kailangan mo lang ng malinis na kuko a mga pangkulay sa kuko.

Red. White. Green iyong kakailanganin.
Red ang strawberry malamang.
White ang maliliit nitong dots-dots.
At syempre, green ang dahon nito.
Maging mainggat sa pagdodot. 

At BOOOOM!
Meron kanang STRAWBERRY SHORTNAILS. :D


#MgaKukoNiMariaClara




Gusto ko neto.


Siguro iniisip niyo, ang lupit nung naggawa niyan.                  
Mas malupit yung nakaisip nyan.
Dahil na uso na nga ang pagpapanailart ni Maria Clara,
marami nang nabibiling kung anu-anong kaartehan na
pwedeng ipang-design sa kuko.
Gaya nalang niyan.
Nagkulay siya ng light pink sa kanyang mga kuko,
pagkatapos ay dinikit niya yung telang itim na butas butas. Oo, tama ang nabasa mo. Tela yan!
Ang galing diba?

Naiinggit tuloy ako. Gusto ko ng ganyan! :|

#MgaKukoNiMariaClara

Black and white.


Karaniwang naririnig na kumbinasyon ng kulay.
Kung saan, sa kapanahunan ni Maria Clara, ito na maaari ang sikat na kumbinasyon.
Pagnarinig mo ang salitang ito -Black&White.
Marahil agad na iyong maiisip ay isang telebisyon. 
UY! Aminin mo, tama ako hindi ba?
--
Balik tayo sa mga kuko.
Ang dalawang kulay na ito ay the best pagsamahin.
Lalo na kung artistic pa ang pagkakalagay ng disenyong naisip.
Tignan mo nalang ito:


CUUUUUUTE! Gusto ko tuloy magpagawa ng ganyan sa salon.

#MgaKukoNiMariaClara

PACMAN


Malikhaing isip.
Makukulay ang gamit.


Kahit ano naman pwede. Kanya kanyang style lang yan.
Tulad nalang ng kamay ni Ateng Maria Clara mula sa tumblr.
Gawin ba namang nailart design ang sikat na larong ito.
Ang P-A-C-M-A-N. Pacman.



** thegirlstuff.com at tumblr nagmula ang larawang ito.

#MgaKukoNiMariaClara


Green. Yellow. Green.


 



Pagbabasa ang hilig na pampalipas oras ni Maria Clara.
Tignan mo nga naman! Sinong makakapagsabi na terno sa kulay ng marka sa libro niya ang
kulay sa kuko niya. Sinong niya? Ang nagmamay-ari ng kamay na ito ay si Lois.
Talagang nagkulay siya ng kuko para lang sa blog na ito.
Terno-terno pa, hindi ba?
Salamat kaibigan! :D
** Aking mga kaibigang PEK!

#MgaKukoNiMariaClara

Red.


Red.


Kulay ng labi ni Maria Clara.
Red. Red. Red.
Sabe nila, kulay ng suplada, maarte at matataray.
Kung titignan mo nga naman, muhka nga itong totoo.
Pero HINDI ITO TOTOO! Kulay lang naman ang mga yan.
Nasa personalidad pa rin ng isang tao mo makikita kung ano talaga sila, at hindi sa
mga kulay na nakalagay sa kuko nila.
Ang masasabi ko lang, elegante naman ang kulay PULA. :)

#MgaKukoNiMariaClara

Friday, October 5, 2012

P-I-N-K

 P-I-N-K

         Ano kaya ang paboritong kulay ni Maria Clara noong siya ay bata pa? Uso na kaya noon ang kulay pink? Dahil noong kabataan ko, pink ang bidang bida sa mata naming mga babae.
         Ang kulay pink ay pangbabae, bibihira ang mga lalaking nagkakagusto sa kulay na ito. Kung meron man, ang mga lalaking ito ay natatapunan pa ng tukso na sila ay bakla. Ano nga bang magagawa naten? Kung mismong kulay talaga nito ay bagay na bagay sa babae –sa kamay ng isang babae.

Nakakatuwang balikan, na noong kabataan, paboritong kulay ay pink. Gamit sa kwarto ay pink, hanggang sa closet ay puro pink. Kung pwede lang sana noon palang ay maglagay nan g kulay sa kuko, baka linggo-linggo na akong nagpalit ng desenyo sa kuko. Ngayong isang ganap na dalaga, iba’t ibang kulay sa kuko maari nang subukan. Kanya-kanyang trip ika nga, walang pakialamanan.

Kay gandang titigan, lalo na sa mahahabang kuko. Simpleng kulay, walang halong disenyo, ngunit pag iyong inapplyan ng tinatawag na fashion, siguradong lulutang pa lalo ang kanyang ganda.

Gaya nalang ng nakikita mo sa litratong ito. Ito ay kamay ng aking butihing kaklase na si Clarisse. Pansing-pansin ko agad na nagbago siya ng kulay sa kuko, at bagay naman sa kanya, huwag mo nang itanggi. Teternuhan mo pa ng singsing ng isa ko pang kaklase, in five, four, three, two, one –rampa ay pwedeng pwede. J

** Ang singsing na ginamit sa litrato ay pagmamay-ari ng aking butihing kaklase na si Lois.

#MgaKukoNiMariaClara.

Adios, Paalam, Goodbye!


Adios, Paalam, Goodbye!


“Paalam mahal ko.” –wika ng iniirog ni Maria Clara.

“Paalam nailart ko!” –wika ko sa aking sarili.
 Hindi naman permanente ang paglalagay ng kulay sa kuko, kaya nga kahit araw araw pa ay magpalit ka ng kulay. Ngunit syempre, mas makakabuti pa rin kung inaalagan mo ang ganda ng natural mong kuko.

Isang lingo madalas ang tinatagal ng isang nailart, kung mas maingat, mas matagal pa. Wala tayong magagawa dahil natural na matatanggal at matatanggal ang mga ito kahit na ano pang ingat ang iyong gawin. Wala tayong magagawa kundi ng ipalinis nalang ito at palagyan ulit ng bagong disenyo o kaya naman ay huwag munang palagyan ulit. Ang desisyong ito naman ay nasasaiyo. J

** Ito nga pala ay kamay ng isa ko pang butihing kaklase na si Ickah.

#MgaKukoNiMariaClara


Asul, Blue, Bughaw.



Asul, Blue, Bughaw.


                Ngiting Maria Clara ay nakakahumaling. Simpleng ngiti na tiyak na nakakaakit. Sa kabila ng mga matatamis na ngiti, mayroon rin naming natatagong kalungkutan o kung minsan ay tinatawag nating feeling blue.

BLUE. Sinasabing simbolismo ng kalungkot. Tamang-tama yata sa mood ko ngayon. Ngunit, iyong pakatitigan, kulay ng asul, blue o bughaw mukha namang di malungkot. Kay ganda ilagay sa kuko ng isang binibini, ternohan mo pa ito ng kakulay na singsing.


Maarte bang matatawag ang mga babaing nagkukulay ng kuko? Diba’t ginagawa lang naman nila ito dahil ito ay nakakadagdag ng ganda sa katawan. Pagteterno-terno ng mga bagay na isunusuot, ART ngang matatawag. Sa paraang pangkababaihan, ito ay tinatawag na – fashion!


**Ang kamay na ito ay kamay ng aking butihing kaklase na nag ngangalang Clarisse. J


#MgaKukoNiMariaClara

Tuesday, October 2, 2012

Black at Pink

 

 

Una kong nailart.

               Maria Clara. Simbolismo ng kababaihan. Isa ako roon. Simple lang rin naman ang gusto ko, pero sino ba naman ang hindi maeenganyo
sa ganda ng kumbinasyon ng kulay itim at pink. Maganda sila, aminin mo! Nakakatuwang titigan, nakakatuwang kunan ng litrato.Minsan lang naman maglumandi ang mga kuko kong ito, iyo nang pagbigyan. Sa baon ko naman iniawas ang pambayad sa salon, kaya huwag nang magreklamo  at umoo ka nalang.

Pink. Paborito ng mga nakakaraming babae. Mula pagkabata, ito na ang aking gusto.
Anong iyong magagawa kung talagang nahumaling ako sa kulay na ito.

Black. Sino ba ang may gusto? Pwes, ako! Nagustuhan ang kulay na ito noong kapanahunan
ng aking high school. Maganda naman diba? Bagay pa sa lahat ng kulay. Lalong lalo na
sa kulay na pink.

Disenyo ng kuko (noong bakasyon) iyong titigan.
Baka maisipan mo ring magpagawa ng ganyan sa salon. Kay gandang litrato,kasama ang oaborito kong baller na Batman. Hanggang dito nalang, dahil ang kaartehang yan ay natanggal na rin.




#MgaKukoNiMariaClara

Simpleng Kuko :D

 

 Walang Kulay.

              Maria Clara. Mga kababaihan noon, simple, walang arte sa katawan, natural ang ganda.
Kailan nga ba nauso ang paglalagay ng pintura sa kuko? (Basahin sa Makulay ang Buhay) Kung saan, samu't-saring kulay ang ipinipinta sa bawat kuko ng daliri sa kamay ng isang binibini.

              Ngayon. Maraming kababaihan ang nahuhumaling sa pagpapalagay ng kulay sa kuko. Bakit nga ba? Marahil ito ay maganda sa paninginnila at ng iba. At ngayon, meron pa tayong tinatawag na nailart service sa mga salon, na tinatangkilik ng mga babaeng kabataan ngayon.

Ang simple ay maganda, basta't ito ay malinis, syempre. Tandaan, may kulay man o wala, ang sarili mo ang nagdadala ng kagandahang gusto mong makita.

#MgaKukoNiMariaClara.