Thursday, October 11, 2012

Strawberry, baby! :)


Strawberry, baby! :)


Matamis na strawberry. 
Sintamis ng halik ni Maria Clara.
Halik ng strawberry sa mga kuko?
Tignan mo nga naman. 
Pati disenyo ng pagkain ay maaari nang gawing disenyo.

Ang ganda titigan, nakakagutom pa.
Marami na kong nakitang nagpagawa ng ganyan.
Ang cute nga naman, iyong masasabi kapag ito'y nakita mo.
Kayang kaya mo yan gawin sa bahay mismo, 
kailangan mo lang ng malinis na kuko a mga pangkulay sa kuko.

Red. White. Green iyong kakailanganin.
Red ang strawberry malamang.
White ang maliliit nitong dots-dots.
At syempre, green ang dahon nito.
Maging mainggat sa pagdodot. 

At BOOOOM!
Meron kanang STRAWBERRY SHORTNAILS. :D


#MgaKukoNiMariaClara




Gusto ko neto.


Siguro iniisip niyo, ang lupit nung naggawa niyan.                  
Mas malupit yung nakaisip nyan.
Dahil na uso na nga ang pagpapanailart ni Maria Clara,
marami nang nabibiling kung anu-anong kaartehan na
pwedeng ipang-design sa kuko.
Gaya nalang niyan.
Nagkulay siya ng light pink sa kanyang mga kuko,
pagkatapos ay dinikit niya yung telang itim na butas butas. Oo, tama ang nabasa mo. Tela yan!
Ang galing diba?

Naiinggit tuloy ako. Gusto ko ng ganyan! :|

#MgaKukoNiMariaClara

Black and white.


Karaniwang naririnig na kumbinasyon ng kulay.
Kung saan, sa kapanahunan ni Maria Clara, ito na maaari ang sikat na kumbinasyon.
Pagnarinig mo ang salitang ito -Black&White.
Marahil agad na iyong maiisip ay isang telebisyon. 
UY! Aminin mo, tama ako hindi ba?
--
Balik tayo sa mga kuko.
Ang dalawang kulay na ito ay the best pagsamahin.
Lalo na kung artistic pa ang pagkakalagay ng disenyong naisip.
Tignan mo nalang ito:


CUUUUUUTE! Gusto ko tuloy magpagawa ng ganyan sa salon.

#MgaKukoNiMariaClara

PACMAN


Malikhaing isip.
Makukulay ang gamit.


Kahit ano naman pwede. Kanya kanyang style lang yan.
Tulad nalang ng kamay ni Ateng Maria Clara mula sa tumblr.
Gawin ba namang nailart design ang sikat na larong ito.
Ang P-A-C-M-A-N. Pacman.



** thegirlstuff.com at tumblr nagmula ang larawang ito.

#MgaKukoNiMariaClara


Green. Yellow. Green.


 



Pagbabasa ang hilig na pampalipas oras ni Maria Clara.
Tignan mo nga naman! Sinong makakapagsabi na terno sa kulay ng marka sa libro niya ang
kulay sa kuko niya. Sinong niya? Ang nagmamay-ari ng kamay na ito ay si Lois.
Talagang nagkulay siya ng kuko para lang sa blog na ito.
Terno-terno pa, hindi ba?
Salamat kaibigan! :D
** Aking mga kaibigang PEK!

#MgaKukoNiMariaClara

Red.


Red.


Kulay ng labi ni Maria Clara.
Red. Red. Red.
Sabe nila, kulay ng suplada, maarte at matataray.
Kung titignan mo nga naman, muhka nga itong totoo.
Pero HINDI ITO TOTOO! Kulay lang naman ang mga yan.
Nasa personalidad pa rin ng isang tao mo makikita kung ano talaga sila, at hindi sa
mga kulay na nakalagay sa kuko nila.
Ang masasabi ko lang, elegante naman ang kulay PULA. :)

#MgaKukoNiMariaClara

Friday, October 5, 2012

P-I-N-K

 P-I-N-K

         Ano kaya ang paboritong kulay ni Maria Clara noong siya ay bata pa? Uso na kaya noon ang kulay pink? Dahil noong kabataan ko, pink ang bidang bida sa mata naming mga babae.
         Ang kulay pink ay pangbabae, bibihira ang mga lalaking nagkakagusto sa kulay na ito. Kung meron man, ang mga lalaking ito ay natatapunan pa ng tukso na sila ay bakla. Ano nga bang magagawa naten? Kung mismong kulay talaga nito ay bagay na bagay sa babae –sa kamay ng isang babae.

Nakakatuwang balikan, na noong kabataan, paboritong kulay ay pink. Gamit sa kwarto ay pink, hanggang sa closet ay puro pink. Kung pwede lang sana noon palang ay maglagay nan g kulay sa kuko, baka linggo-linggo na akong nagpalit ng desenyo sa kuko. Ngayong isang ganap na dalaga, iba’t ibang kulay sa kuko maari nang subukan. Kanya-kanyang trip ika nga, walang pakialamanan.

Kay gandang titigan, lalo na sa mahahabang kuko. Simpleng kulay, walang halong disenyo, ngunit pag iyong inapplyan ng tinatawag na fashion, siguradong lulutang pa lalo ang kanyang ganda.

Gaya nalang ng nakikita mo sa litratong ito. Ito ay kamay ng aking butihing kaklase na si Clarisse. Pansing-pansin ko agad na nagbago siya ng kulay sa kuko, at bagay naman sa kanya, huwag mo nang itanggi. Teternuhan mo pa ng singsing ng isa ko pang kaklase, in five, four, three, two, one –rampa ay pwedeng pwede. J

** Ang singsing na ginamit sa litrato ay pagmamay-ari ng aking butihing kaklase na si Lois.

#MgaKukoNiMariaClara.